I Know I’m A Fool

Mahal kita pero alam ko na may mahal kang iba. Mag best friends tayo kaya hindi ko kayang sabihin ang totoo kong nararamdaman. Mahirap, sobra. Pero kung sasabihin ko sayo? Ano naman ba ang makukuha ko? Mawawala lang yung friendship natin. Ikaw yung ┬átaong parating nasa tabi ko. Ikaw yung taong parati akong kino comfort. Ikaw yung taong araw-araw pinapasaya ako. Ikaw yung taong simula ulo hanggang paa, kilala ako. Ayoko mawala kung anong mayroon tayo. Minsan kasi, may mga instances na mas gugustuhin nalang natin maging tanga kahit na sobra tayong nasasaktan. Yun na lang kasi yung only way para ma pangalagaan yung relasyon na mayroon kayo. I know it sounds absurd. Someday, I will slap my face and start living in reality. But for now, I’ll let myself to be a fool.

Advertisements